-- Advertisements --

Napili ng United Nations bilang goodwill ambassador ang K-pop group na SEVENTEEN.

Ayon kay Audrey Azoulay ang director-general of the UN Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na mayroong parehas na commitment ang UN at ang nasabing grupo na isulong sa mga kabataan ang mga pagbabago.

Dagdag pa nito na naging inspirasyon sila at suportado ang mga kabataan sa buong mundo sa pamamagitan ng kanilang musika at positibong enerhiya.

Ang grupo na binubuo ng 13-miyembro ay nagsimula noong 2015 at pangalawa sila kay Taylor Swift na may malaking kita sa buong mundo base na rin sa International Federation of the Phonographic Industry (IFPI).