-- Advertisements --

Ganap ng bagong brand ambassador ang K-pop icon na si PSY matapos itong ianunsyo ng isang kilalang hotel at casino sa Pilipinas.

Kilala ang naturang K-pop idol dahil sa sumikat nitong kantang ‘Gangnam Style’ noong 2012 na mayroong limang billion views sa Youtube. Isa rin sa mga napasikat nitong mga kanta ay ang ‘Daddy’ kasama ang 2NE1 member na si CL.

Gagampanan ni PSY ang iba’t-ibang mga role sa pag promote nito sa kilalang Hotel kagaya ng mga promotional videos kung saan ipapakita nito ang ganda ng hotel hangad na makaakit ng iba pang mga panauhin.

Bago paman makuha bilang ambassador ang K-pop idol ay nakapag perform muna ito ng kanyang shoiw noong Setyembre na ginanap sa sikat na Hotel dito sa bansa.