Nagluluksa ang buong K-pop industry kasunod ng pagpanaw ng child actor at K-pop idol na miyembro ng boy band group na ASTRO na si Moonbin sa edad na 25 anyos.
Ilang K-pop groups na rin ang nagkansela ng kanilang scheduled activities at concert kasunod ng malungkot na balita.
Inanunsiyo ng management ng k-pop group na Billie na Mystic Story, na ipagpapaliban muna o kakanselahin ang kanilang scheduled activities ngayong linggo.
Ang isa nga sa miyembro at rapper ng girl group na Billie ay si Moon Sua na nagiisa at nakababatang kapatid ng pumanaw na K-pop idol.
Ilan pa sa Kpop group na nag-anunsiyo ng kanselasyon ng kanilang mga scheduled activities ay ang female group na ITZY, 4th generation group New jeans gayundin ang boy groups na iKon, Xdinary Heroes at BTOB.
Una rito, iniulat ng South Korean entertainment news outlet ang pagpanaw ng Korean idol matapos matagpuan ng kaniyang manager na walang ng buhay sa kaniyang tahanan sa Gangnam district.
Planong isailalim ang bangkay sa autopsy upang malaman ang tunay na sanhi ng kamatayan ng Kpop idol.
Nagsimula ang showbiz career ni Moonbin bilang isang child actor sa 2009 hit k-drama series na Boys Over Flowers na gumanap sa karakter ng batang Kim Bum o So Yi-jung.
Nag-debut si Moonbin bilang main dancer at vocalist ng Astro kasama sina Jinjin, MJ, Cha Eun-woo, Sanha at Rocky noong taong 2016.
Nagdadalamhati din ang AROHA kabilang na ang Filipino fans ng KPop idol. Kamakailan lamang kasi ng nag-perform pa si Moonbin bilang parte ng Astro sub-unit na Moonbin & Sanha dito sa Pilipinas at nagsagawa ng fan concert noon lamang Marso 2023.