-- Advertisements --

Tila hindi magkamayaw sa saya ang fans ng Kpop Star na si Lee Ji-eun o mas kilala bilang si IU, nang kantahin niya ang isang Original Pilipino Music hit na ‘Pasilyo’ sa katatapos lang na concert nito sa Philippine Arena.

Bukod sa nakabibighaning ganda ng boses nito, napabilib din niya ang kaniyang mga tagahanga dahil kinabisado at talagang inaral ng nasabing Kpop singer-actress ang lyrics at tono ng naturang kanta.

Ang nasabing ‘Pasilyo’ kasi ay nilikha mismo ng bandang SunKissed Lola mula sa Pilipinas at ito ay patungkol sa kaniyang iniibig at sa kagustuhan nitong ilaan ang kaniyang buhay sa taong kaniyang minamahal– na tila paraan din ni IU ng pagpapahayag ng kanyang malalim na koneksyon at regalo para sa mga Uaena.

Samantala, tumagal naman ng tatlong oras ang nasabing concert at umabot ng 28 ang kaniyang naawit kasama na ang kaniyang mga self-composed na kanta.