Hindi kumportable si presidential candidate at labor leader Ka Leody de Guzman sa pagkakaroon n ng taunang Balikatan military training exercise sa pagitan ng US at Pilipinas.
Sa ginawang presidential interview ng Sonshine Media Network Incorporated (SMNI) sinabi nito na ang pagsasagawa ng military exercise ng dalawang matagal ng magka-alyadong bansa ay maaaring mag-udyok sa China na mas lalong maging magalit.
Magtutulak aniya lalo pa ang nasabing military exercise na ipuwesto ang sarili sa defense position.
Nauna ng isinusulong nito ang pagkakaroon ng bansa ng independent foreign policy kung saan na dapat ay hindi magpagamit ang Pilipinas sa US sa paglaban nito sa China.
Magugunitang magsisimula ang balikatan exercise sa Marso 28 hanggang Abril 8 na lalahukan ng nasa 8,900 na sundalo ng US at Pilipinas.