-- Advertisements --

BUTUAN CITY – All set na para sa pamilya Madlos ang nakatakdang paglilibing bukas ng umaga kay rebel leader Jorge ‘Ka Oris’ Madlos sa Surigao Memorial Park sa Surigao City matapos ang apat na gabing lamay.

Matatandaang simula ng mapatay ito sa bakbakan sa Impasug-onG, Bukidnon noong Oktubre a-30 ay noong Nobyembre a-11 pa ito dinala sa General Luna sa Siargao Island, Surigao del Norte kung saan siya lumaki at ibinalik sa Surigao City nito lang Martes para sa apat na gabing lamay at public viewing sa isang pribadong punerarya.

Ayon sa nakaktanda nitong kapatid na si Anne Madlos-Caraballe, dalawang gabi pang ipinasilip sa kanilang mga kababayan sa General Luna ang abo ng kanyang 72-anyos na kapatid sa bahay ng kanyang mga foster parents na si dating Mayor Mauricio ‘Oris’ Ravelo na ang palayaw ay syang kanyang ginamit na alyas sa makaliwang kilusan.