CAUAYAN CITY- Mayroon nang napiling ang PDP Laban Pimentel Faction na kakandidato sa Vice President na magiging katandem ni Senador Pacquiao
Sa naging panayam ng Bombo radyo Cauayan, inihayag ni Dating Mayor Fernando Cumigad, Secretary General ng PDP Laban na mayroong proseso sa pagsapi sa kanilang partdo.
Ang mga dumating anyang bagong miyembro ay hindi dumaan sa tamang proseso tulad ng basic monthly seminar at hindi nagbayad ng kanilang month dues at membership fee.
Lahat anya ng mga miyembro ng PDP Laban ay nasa records ng kanilang headquarters.
Sinabi pa ni Dating Mayor Cumigad na ang miyembro ng Executive Council kung saan siya napapabilang bilang Secrteray General sa Region 2 ay hindi lahat ay politiko kundi mayroong nasa grassroats at nagkataon anyang maraming politiko na sumama na kalaunan ay humiwalay.
Bagamat mayroong humiwalay ay mas marami pa ring miyembro ng PDP Laban Pimentel Faction na nasa grassroat level.
Nilinaw naman ni Dating Punong Bayan Cumigad na sa nangyayaring faction ng PDP Laban ay ang COMELEC ang magrersolba nito.
Mayroon din anya silang Plan B kapag hindi pumabor sa kanila ang desisyon ng COMELEC.
Sa ngayon ay ibinigay kay Pacquiao na pumili kung sino ang kanyang makaka-tandem ngunit mayroon na anya silang napili at sa mga susunod na araw ay ihahayag ito ng kanilang partibo..
Inihayag pa ni Dating Mayor Cumigad na narinig niya mismo na iniendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte si Pacquiao na kandidato ng partido sa pagka-Pangulo ngunit nag-aalangan ang fighting senador kung makakaya pa niya.
Sinabi pa anya ng Pangulo ng kayang-kaya ito ni Pacquiao dahil isa na siyang Senador samantalang Siya ay Mayor nang kumandidatong Pangulo ng Bansa.
Dahil sa endorso ng Pangulo ay napagtanto nilang si Pacquiao ang kanilang best kandidate dahil isinasapuso niya ang advocacy ng PDP Laban.