-- Advertisements --

Pinatawan ng pagkakakulong ng hanggang 40 na buwan ang long-time adviser ni US President Donald Trump na si Roger Stone.

Napatunayan kasi ng korte na ang 67-anyos na si Stone sa seven counts of lying to Congress, obstruction and witness tampering.

Si Stone ang siyang pang-anim na aide ni Trump na hinatulan ng criminal case mula sa imbestigasyon na isinagawa ni Robert Mueller.

May kaugnayan ang nasabing kaso sa imbestigasyon kung saan isinasangkot ang panghihimasok ng Russia noong 2016 US Election.