-- Advertisements --

Naalarma ang ilang senior Republicans sa naging hakbang ni US President Donald Trump na pauwiin na ang kanilang mga sundalo na naka-deploy sa Afghanistan at Iraq.

Kinumpirma na kasi ng Department of Defense na pababalikin na sa Amerika ang 2,500 troops mula Afghanistan at 2,500 troops naman mula Iraq.

Tinawag ni Senate Majority Leader Mitch McConell na malaking pagkakamali ang ginawa ni Trump.

Binalaan din niya ang Pangulo laban sa ginagawang mga pagbabago nito patungkol sa depensa ng bansa at foreign policy bago siya umalis sa White House.