Ipinaliwanag ng kaanak ng bata na may kakaibang pangalan sa Camen, North Cotabato kung bakit nila pinili ang nasabing kakaibang pangalan.
Kinagigiliwan kasi sa social media ang baby boy na ipinanganak sa Carmen, North Cotabato dahil sa pangalan nitong kakaiba.
Pinangalanan kasi itong si Ghlynnyl Hylhyr Yzzyghyl Mampuan Buscato o may palayaw na “Consonant” dahil walang anumang vowel letter na matatagpuan sa kaniyang pangalan.
Ayon sa lolo nitong si Raugyl Ferolin Estrera, binuo ang panglan sa ilang letra mula sa pangala ng ama, ina at maging lola ng bata at pamangkin nito.
Kuwento pa nito, nais niyang bigyan ng pangalan na magiging inspirasyon ito sa kanilang pamilya.
Maging aniya ang kanilang civil registrar ay naguluhan din dahil sa haba ng pangalan kung saan makailang beses itong inulit ang pag-imprinta ng pangalan.
Kapag nagkaisip na ito ay saka na lamang aniya nila ipapaliwanag kung saan at paano nila naisip ang kaniyang pangalan.