-- Advertisements --

Humihingi ng tulong ang mga kaanak ng actor na si Pen Medina matapos na ito ay ma-ospital.

Ayon sa social media post ng anak nitong si Alex Medina, na mahigit tatlong linggo ng nakaratay sa pagamutan ang 71-anyos na actor dahil sa tinatawag na Degenerative Disc Disease (DDD).

Nakatakda itong sumailalim sa major spine surgery ngayong Hulyo 19.

Naubos na aniya ang kaniyang mga naipon dahil sa dalawang taon na walang proyekto bunsod ng COVID-19 pandemic.

Umaasa ang mga kaanak nito na matulungan siya ng mga naging kasama niya sa pelikula.

Mayroong pitong anak ang actor kung saan dalawa sa kanila ay pumasok sa pag-aartista at ito ay sina Ping at Alex.