-- Advertisements --
Iloilo sea tragedy
iloilo tragedy rescue

ILOILO CITY – Personal na hihilingin ng mga kaanak ng mga namatay kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkamit ng hustisya para sa sinapit ng mga biktima.

Inaasahan kasi ang pagbisita ni Pangulong Duterte sa lalawigan ng Guimaras upang bisitahin ang mga survivors at mga namatay sa nasabing trahedya na kumitil sa buhay ng 31 katao.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Alvin Sarvania, kaanak ng isa sa mga namatay na si Claire Faith Segovia ng San Roque, Nueva Valencia, Guimaras, sinabi nito na hihilingin nila sa pangulo na tulungan ang pamilya na mapanagot ang sinumang may pananagutan sa nasabing trahedya.

Nanawagan naman ito kay Duterte na sana mabigyan ng kaukulang pansin ang problema ng mga residente ng Guimaras kaugnay sa mga de-pampasaherong motorbanca na naglalayag sa Iloilo Strait.

Ayon kay Sarvania, kung maaari ay gumawa ng hakbang ang Presidente upang maiwasan na mangyari ulit ang nasabing trahedya.