-- Advertisements --
Nakulangan ang mga kaanak ni Jullebee Ranara sa naging hatol ng korte sa Kuwait laban sa menor de edad na suspek na pumatay sa OFW.
May kaugnayan ito sa pagpapatibay ng korte ng Kuwait na guilty ang menor-de-edad na suspek sa pumatay sa 35-anyos na OFW.
Sinabi ng asawa nito na si Joey Marce, na hindi sapat ang pagkakakulong at mararapat na mas mabigat pa dito gaya ng bitay.
Magugunitang matapos na gahasain at buntisin ng 17-anyos na anak ng amo ng OFW ay pinatay pa niya ito sa isang disyerto.
Ayon naman kay Department of Migrant Workers officer in charge Hans Cacdac na mayroon lamang ng hanggang 15-taon na pagkakakulong ang hatol sa Kuwait sa mga menor de edad na mga suspek.