CENTRAL MINDANAO-Nagsagawa ng ikalawang quarter meeting ang konseho ng Mun. Peace and Order Council ng bayan ng Kabacan Cotabato.
Kaugnay nito, narito ang ilang puntong dapat ninyong malaman:
Mayor Herlo P. Guzman, Jr.: “We all deserved to live peacefully…, Nagpapasalamat ako sa patuloy na pagbabantay ng 90th IB, PNP, mga Force Multipliers, at higit sa mga Barangay na mas pinapalakas ang kaayusan at kapayapaan sa bayan”
- Hiningi nito sa Legislative Body na pinangungunahan ni VM Myra Dulay-Bade na magawan ng resolution ang pagiging full fledged na Chief of Police ng bayan.
- Nagpasalamat at binati ang mga Kapatid sa pananampalatayang Islam sa maayos na isang buwang pag-aayuno.
- Bilang isang bayan, tulungan natin ang karatig bayan sa usapin ng Peace and Order at palakasin pa ang ang Peace and Order.
PNP PMaj Wilson Magay II: Sa kabuuan maayos at mapayapa ang bayan. Bagamat may mga nangyayari sa labas ng bayan, paghihimok sa mga Kabakeño na makiisa at maging mapagmatyag.
- Para sa buwan ng Marso at Abril 2021, tumaas ang kaso ng Motornapping na may bilang na lima at dalawa rito ay solved case na.
- Marso hanggang Mayo 2021, mayroong kabuuang 69 na nahuling walang suot na facemask. Sa bagong kautusan sa mga PNP, ipinagbabawal ang mga pagbibigay parusa, pagkulong sa nahuling hindi sumusunod, at kung maaari ang pagbibigay ng ticket saka ito ipinapauwi at bibigyan ng facemask.
AFP: LTCOL. Rommel Mundala INF: Mas lumawak ang nasasakupan naidagdag ang bayan ng Carmen at Aleosan.
- Hinimok nito ang Kabacan na maging mapagmatyag at dapat lahat ay makialam sa usapin ng kapayapaan lalo’t baka gagawa ng ng ibang tensyon ang masasamang grupo para maibsan ang tensyon sa Datu Paglas.
BFP SFO4 Evelyn Bueno: Nagpasalamat sa suporta ng LGU at nalalapit na ang pagsasaayos ng kanilang gusali.
BJMP JIns. Edneil Capundan: Nalalapit na ang paglipat sa bagong gusali.
- Hiling sa LGU na mabigyan ito ng tulong upang pormal na mailipat ang mga bilanggo sa kanilang dapat kalagyan na mas mataas na institusyon. (Approved by the council thru Reso. 2021-006)
MDDRM David Don Saure: Pagsasaayos ng ICP at pagbago ng patakaran sa paggamit ng Ambulansya.
- Sa paggamit ng ambulasya, prayoridad nito ang mga Kabakeño, ngunit kung emerhensya (Road Accident) prayoridad nito ang pasyente. Kung hihingi ng tulong na ilipat ng hospital at sunduin ang isang ROF, maaaring makipag-ugnayan sa Mayor’s Office.
TMU/CSU Ret.Col. Antonio Peralta: Naghayag ng kanilang suporta sa mga aktibidad ng Highway Patrol group, pagbibigay tulong sa mga gawain lalo na sa trapiko.