-- Advertisements --
Labis na naapektuhan ang mga kabataan at kababaihan sa mga nawalan ng trabaho dulot ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Ayon sa Asian Development Bank, na kailangan pang makabawi ang bansa sa ekonomiya nito lalo na ang pagkawala ng mga trabaho ng maraming empleyado.
Lumabas din sa ulat ng ADB na ang naramdaman ang malaking pagkawala ng trabaho sa Southeast Asian region gaya sa Indonesia, Pilipinas, Thailand at Vietnam.
Noong 2020 lamang ay mayroong 44% na mga kababaibahan ang nawalan ng trabaho na mas mataas noong 2019 na mayroon lamang 38-39 percent.
Sa kasalukuyan kasi ay mayroong 7.4 percent ang walang trabaho sa bansa noong Oktubre kung saan noong 2020 ay nakapagtala ang bansa ng record high na 10.3 percent na unemployment rate.