-- Advertisements --

Nagsagawa ng kilos protesta ang mga babaeng Afghans sa Badakhshan province laban sa binuong interim government ng Taliban sa Afghanistan.

Inirereklamo kasi nila kung bakit walang kinuhang mga babae sa mga mamuno ng kanilang bagong gobyerno.

Hindi aniya nila matatanggap ang bagong pamunuan ng walang babaeng ministers.

Maraming mga kababaihan ang pinagpapalo bago tuluyang buwagin ng Taliban ang mga nagsagawa ng kilos protesta.

Iginiit ng Taliban na ipinagbabawal sa kanilang bagong gobyerno ang alinmang pagsasagawa ng kilos protesta at kailangan magpaalam muna ang mga ito.

Mgugunitang inanunsiyo ng Taliban ang pagbuo ng bagong gobyerno na pamumunuan ni Mullah Mohammad Hassan Akhund.

Magiging foreign minister at deputy prime minister si Hassan Akhund.

Tiniyak nila na ipapatupad ng bagong gobyerno ang Islamic law.

Huling namuno ang Taliban sa Afghanistan mula 1966 hanggang 2001 kung saan ang mga cabinet ministers ay nasa ilalim ng sanctions ng United Nations.