Nagprotesta ang ilangmga kababaihang Afghans sa labas ng Afghanistan Women’s Ministry matapos na ipasara ito sa ilalim ng bagong tatag na Taliban government sa Kabul.
Kaugnay nito, pinalitan ng Taliban ang sign sa may entrance ng ministry of women’s affairs building at ginawang Ministry for Promotion of Virtue and Prevention of Vice.
Ipinaglalaban ng kababaihang Afghan ang kanilang karapatan para sa edukasyon at trabaho at pagkakapantay.
Karamihan sa mga kababaihan mula sa public at private sector jobs na nananatili sa Afghanistan ay sinabihang manatili sa bahay habang hindi pa naglalabas ang Taliban government ng uniform policy hinggil sa trabaho ng mga kababaihan.
Ayon naman sa tagapagsalita at deputy minister of the ministry of information and culture ng Taliban Zabiullah Mujahid na magtatatag aniya ang Islamic militants ng isang epektibong administrasyon para sa mga kababaihan. (with report from Bombo Everly Rico)