CENTRAL MINDANAO- Nasa pang 13 puwesto ang Kabacan, Cotabaoto 2021 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI).
Sa datos, umakyat ng tatlong baitang ang bayan ng Kabacan mula sa Top 16 noong 2020 mula sa 489 1st and 2nd Class Municipalities sa buong Pilipinas at ngayon ay nasa pang top 13 na ang bayan.
Kaugnay nito, nasa Top 3 na ang bayan ng Kabacan sa buong Mindanao para sa kategoryang 1st and 2nd Class Municipalities.
Ang nasabing programa ay binibigyan ng grado ang apat na pillars na kinabibilangan ng Resiliency, Government Efficiency, Infrastructure, at Economic Dynamism.
Samantala, siniguro ni Mayor Guzman na ang pagkilalang ito ay magbubukas pa ng mas ma-unlad na pamumuhay sa bayan ng Kabacan.
Patuloy din nitong pinasasalamatan ang bawat investors na naniniwala sa kakayahan ng Kabacan na makatulong sa kanilang mga negosyo.