-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Bagamat walang naitang paglilikas bunsod ng walamg tigil na ulan, hindi parin nakaligtas ang mga pamilya at sakahan na naapektuhan ng pagbaha sa bayan ng Kabacan.

Batay sa pag-iikot ng Municipal Disaster Risk Reduction Management, mayroong inisyal na bilang na 159 na pamilya ang apektado mula sa mga Brgy. ng Pisan, Bangilan, at Bannawag.

Samantalang patuloy parin ang pag validate at pag monitor ng tanggapan sa ibang barangay.

Maliban sa tatlong barangay mga sakahan ng Brgy. Bangilan, Upper Paatan, Malanduague at Bannawag ang nalubog sa baha.

Ipinagpasalamat naman ni Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman na walang naitalang casualty at ipinag-utos na nito sa MDRRM, Agriculture Office, at MSWD na maghanda at imonitor ang iba pang barangay.

Maliban sa bayan ng Kabacan ay binaha rin ang bayan ng Matalam,Pikit at Midsayap.

Nakatutok naman si Cotabato Governor Emmylou Lala Taliño-Mendoza sa nararanasang pagbaha at agarang tulong ng lokal na pamahalaan ng probinsya.