-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-“Eligible”, ito ang markang binigay ng Department of Interior and Local Government (DILG-12) sa Lokal na Pamahalaan ng Kabacan Cotabato matapos gawaran bilang 2019 Seal of Child-friendly Local Governance.
Ikinatuwa ni Kabacan outgoing Mayor at Vice Mayor-elect Herlo P. Guzman, Jr. ang panibagong pagkilala, kung saan nakakuha ng 85.17 total score ang LGU. Aniya, nagpapakita lamang ito na may tunay na malasakit ang lokal na pamahalaan sa mga kabataan ng bayan.
Ang Seal of Child-friendly Local Governance ay ibinibigay sa mga lokal na pamahalaan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas na nagpapakita ng mga programang nagbibigay proteksyon sa mga kabataan at nakapasa sa audit na isinasagawa ng DILG-CWC Board.