CENTRAL MINDANAO- Brand new Toyota Commuter Deluxe-Patient Transport Vehicle ang tinanggap ng lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.
Mismong si Kabacan Municipal Mayor Herlo P. Guzman, Jr. ang tumanggap ng nasabing PTV.
Ayon kay Mayor Guzman, sa mensahe ni PCSO Manager Charity/Assistance Department Atty. Marissa Medrano, binigyan nito ang kahalagahan ng magandang ugnayan ng ehekutibo at lehislatibo o Sangguniang Bayan lalo’t isa sa hinihiling ng PCSO ay Sanggunian Resolution at letter of intent.
Dagdag naman ni Mayor Guzman, patunay ang nasabing kaloob na kapag magkasama ang lehislatibo at ehekutibo tiyak na mas maunlad ang Kabacan.
Siniguro pa ng alkalde na tiyak na malaki ang maitutulong ng nasabing PTV sa paghahatid ng serbisyo sa mga Kabakeño.
Dumalo din sa nasabing turn-over si Vice Mayor Myra Dulay-Bade na aniya buo ang supprta nito sa adhikain ng Unlad Kabacan na mas paunlarin pa ang bayan.
Samantala, limang bayan lamang ang tumanggap ng nasabing PTV sa lalawigan ng Cotabato at hiling ng PCSO na tangkilikin ang mga palaro ng PCSO sa adhikaing makatulong sa publiko.