Kabacan Cotabato muling binaha
CENTRAL MINDANAO-Bunsod ng walang tigil na ulan sa magdamagan, ilang sitio sa bayan ng Kabacan Cotabato ang lubog sa baha at may ilang residente ang lumikas.
Batay sa ulat ng MDRRMO Kabacan, tumaas ang lebel ng tubig sa Sitio Laguinding Brgy. Aringay at Sitio Lumayong Brgy. Kayaga.
Patuloy naman sa monitoring ang MDRRMO at MSWDO sa Brgy. Kayaga upang makuha ang bilang ng pamilyang apektado.
Kaugnay nito, nagpapasalamat si Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman sa mga BDRRM at MDRRM na naging tulay upang magresponde sa mga nangangailangan.
Nagpasalamat din ito na walang naitalang casualty.
Samantala, batay sa ulat panahon ng PAGASA, makakaranas ang Mindanao ng kalat-kalat na pagkulog, ulan at local thunderstorm na kung saan maaaring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa.
Patuloy naman ang pagtitiyak ni Mayor Gelyn sa publiko na nakahanda ang lokal na pamahalaan ng Kabacan na magbigay ng agarang responde.