-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Naglabas ng ulat ang Kabacan Cotabato Municipal Epidemiology Surveillance Unit, nakapagtala ng limang (5) ng dengue ang bayan para sa buwan ng Nobyembre 2020.
Ang nasabing mga kaso ay mula sa apat na barangay ng Kabacan. Dalawa ang naitala sa Brgy. Kayaga, habang tig-iisa sa mga Brgy. ng Bannawag, Osias, at Nangaan.
Nagpasalamat naman si Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. sa mga BHWs, BNS, at mga Barangay Officials sa patuloy na pinaiigting ang laban sa nakamamatay na dengue.
Kaugnay nito, hinimok pa ng alkalde ang bawat Kabakeño na palakasin ang kampanya laban sa dengue upang patuloy na bumaba ang kaso nito.