CENTRAL MINDANAO – Panibagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ang naitala sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.
Ito na ang pang 39 na naitatala at pangalawa sa mga aktibong kaso.
Batay sa datos ng Kabacan Municipal Epidemiology Surveillance Unit, ang naturang kaso kabilang ang 54-anyos na babaeng academe professor at may travel history sa Davao region.
Sa ngayon symptomatic ang pasyente at naka-isolate na ito sa municipal quarantine and isolation facility ng bayan.
Patuloy naman ang isinasagawang contact tracing habang mino-monitor ang mga nauna ng nakahalubilo ng pasyente.
Muli namang umapela si Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. sa publiko na kung hindi importante ay manatili na lamang sa loob ng bahay.
Sundin din ang mga ipinapairal na batas sa paglabas ng lalawigan tulad na lamang ng pagkuha ng health decleration at travel authority.
Hinikayat din ng alkalde ang publiko na huwag ipagsawalang bahala ang sakit lalo pa’t may panibagong variant ito na batay sa DOH ay mas madaling makahawa.