-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nakapagtala ng 7 kaso ng dengue ang bayan ng Kabacan Cotabato para sa buwan ng Disyembre 2020.

Sa datos ng Kabacan Municipal Epidemiology Surveillance Unit, ang nasabing mga kaso ay mula sa tatlong barangay.

Apat dito ay mula sa Brgy. Poblacion, dalawa sa Brgy. Osias at isa sa Brgy. Bannawag.

Bagamat bumaba ng isang kaso kumpara sa kaparehong buwan taong 2019, patuloy pa rin ang apela ng lokal na pamahalaan ng Kabacan sa komunidad na magsagawa ng search and destroy sa mga posibleng pamahayan ng mga lamok na may dalang dengue.

Hinakayat din ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. ang mga Brgy. Officials, BHWs, at BNS na magtulong-tulong upang matulongan ang kanilang nasasakupan na mapababa ang kaso ng dengue.

Dagdag pa ng alkalde, sa panahon ngayon na madalas makaranas ng pag-uulan ang bayan, mainam na isagawa ang search and destroy sa mga maaaring pamahayan ng mga lamok.