CENTRAL MINDANAO- Nanatili sa bilang na dalawa ang suspected case ng covid-19 sa bayan ng Kabacan Cotabato.
Sa datos na inilabas ng Kabacan Municipal Epidemiology Surveillance Unit, sumagpa na sa bilang na 555 ang cleared habang nasa strict monitoring ang 187.
Kinumpirma naman ni Kabacan Incident Commander on covid-19 at MHO Dr. Sofronio T, Edu, Jr. na nasa mabuting kalagayan na ang dalawang suspected case.
Patuloy naman sa panawagan ang lokal na pamahalaan ng Kabacan sa pangunguna niMayor Herlo Guzman Jr sa publiko na mas mainam parin ang stay at home upang makaiwas sa sakit na covid-19.
Samantala sa paggunita ng ika-122 taon ng Araw ng Kalayaan, naglabas ng mensahe si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr.
Aniya, katulad nang palayain natin ang Pilipinas sa pagkakasakop, naway muling magkaisa ang bawat KabakeƱo na palayain sa tanikala ng covid-19 ang Kabacan.
Dagdag pa nito, hindi katulad sa mga nagdaang kahalintulad na selebrasyon, ang araw ng kalayaan ngayong 2020 may mas malaking hamon at iyon ang gunitain ito ng may pag-asa kahit na hindi nagsama-sama ang bawat isa.
Naniniwala naman si Mayor Guzman, na mapapalaya natin ang bayan sa tanikala ng covid-19 sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagtutulungan, at higit pananampalataya.