CENTRAL MINDANAO-Sa patuloy na pagbabago ng panahon, nananatili parin na agricultural land ang Kabacan Cotabato at malaki ang naiaambag ng bawat magsasaka sa reprodaksyon ng palay.
Kung kaya binisita ni DA 12 Agricultural Engineering Chief Dr. Jocelyn Torres, PhD., kasama sina Engr. Nolito Garcia, Jr., at Engr. Claire Rudas si Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr.
Sa kanilang pag-uusap, nabigyan ng kasiguruhan ang alkalde sa mga proyekto na hatid ng engineering section ng DA-12.
Nagtanong naman si ABC Pres. Evangeline Pascua-Guzman kung papaano makakatulong ang mga barangay sa pagtataguyod ng agrikultura sa kanilang mga lugar.
Maliban umano sa house gardening o urban gardening at vertical gardening maaaring gumawa ng isang ordinansa ang mga barangay na sinusuportahan ng mga ito ang mga programa ng DA 12. Pwede ring gumawa ng localized ani at kita ang mga ito upang masuportahan ang mga magsasaka.
Nangako naman si Mayor Guzman na kung ano man ang kailangan ng Section ng DA 12, nakahandq ang LGU na mag-abot ng tulong upang maipagpatuloy ang programa para sa bawat magsasaka.