CENTRAL MINDANAO – Nangunguna ngayon ang bayan ng Kabacan sa probinsya ng Cotabato na may pinakamaraming kaso ng pagpatay sa kapwa sa unang tatlong buwan ng taong 2019.
Itoy base sa inilabas na Crime Statistics ng Cotabato Police Provincial Office sa Brgy Amas, Kidapawan City.
Nakapagtala ng 11 kaso ng homicide ang Kabacan na nasa 10 at Pikit, Cotabato na may siyam.
Sa kabuuan, 59 na ang naitalang kaso ngayong kuwarter, habang apat naman ang kabuuang bilang ng kasong murder.
Batay sa datos ng Directorate for Investigation and Detective Management ng pulisya ang nasabing bilang ay nangunguna rin sa may pinakamaraming kaso ng crime against person.
Karamihan sa kasong pagpatay sa buong probinsya ay hindi pa nareresolba ng mga otoridad.
Kinumpirma naman ni Cotabato Police Provincial director Colonel Maximo Layugan na hindi sila tumitigil sa kanilang imbestigasyon para mahuli ang mga suspek na sangkot sa ibat ibang krimen.
Dagdag problema rin ng mga otoridad ang mga nababasura na kaso dahil sa kakulangan ng ebedensiya o hindi na interesadong magsampa ng kaso ang pamilya ng mga biktima.
Sa ngayon ay pinaigting pa ng pulisya ang police visibility sa buong probinsya katuwang ang militar para mahadlangan ang banta sa seguridad ng taongbayan.