CENTRAL MINDANAO-Matapos ang matagumpay na pagpapatupad ng electronic business permit and licensing system o eBPLS sa bayan na una sa buong rehiyon dose, muling napili ang Kabacan Cotabato na maging pilot site para sa integrated business processing and licensing sytem-certificate of occupancy.
Ayon kay Municipal Administrator Ben Guzman, ikinatuwa ni Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman ang balitang ipinaabot ng Department of Information and Communications Technology na napili ang bayan na maging pilot site.
Aniya, makakatulong ito upang mapadali ang pagkuha ng certificate of occupancy.
Tiniyak naman ng DICT sa pangunguna ni Cotabato Provincial Director Engr. Mohadjirin P. Matanog ang kanilang suporta upang maging matagumpay ang nasabing proyekto.
Samantala, dumalo din sa isinagawang launching ang mga Municipal Engineers ng bawat bayan sa lalawigan ng Cotabato.