-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Lubos ang kasiyahan ni Kabacan Cotabato Mayor Evangeline Pascua-Guzman sa bagong pagkilala sa bayan.

Sa katatapos na 2022 Cities and Municipalities Competitiveness Index, inuwi ng bayan ang pang labing anim (16) na puwesto para sa 512 1st and 2nd Class Municipality sa buong Pilipinas.

Batay sa limang Pillar nito, nasa pang lima (5) ang bayan sa resiliency, pang dalawamput apat (24) sa Infrastructure, pang tatlomput pito (37) sa Economic Dynamism, pang limaput lima (55) sa Innovaton, at pang isangdaan at limaput lima (155) sa government efficiency.

Ayon sa alkalde, ang pagkilalang ito ay patunay na ang bayan ng Kabacan ay patuloy na umuunlad.

Dagdag pa niya, na pag-iigihan pa ng LGU ang mga serbisyo kasabay sa paghikayat sa bawat Kabakeñong makiisa at suportahan ang bayan.

Matatandaang noong 2021 nasa pang labing tatlo (13) ang bayan sa buong Pilipinas.

Bagamat bumaba ng tatlong baitang ang rangko ng bayan, buo parin ang paniniwala ni Mayor Gelyn sa kakayahan ng bayan na paunlarin at mas pauunlarin ang bayan sa pamamagitan ng isang serbisyong ramdam, tapat, at totoo.