CENTRAL MINDANAO-Sa patuloy na pananalasa ng African Swine Fever (ASF) sa bayan ng Kabacan Cotabato.
Naglabas na ng isang Resolusyon ang Sangguniang Bayan batay sa liham ni Mayor Herlo Guzman, Jr. kaugnay sa sitwasyon ng ASF sa bayan.
Sa bisa ng Resolution No. 2022-010 sa pangunguna ni Vice Mayor Myra Dulay-Bade isinailalim na ang bayan sa State of Calamity.
Kaugnay nito, batay sa pinakahuling datos (as of January 17, 2022) mula sa Municipal Agriculture Office, mayroong pitong (7) barangay sa bayan ang nagtala ng positibong kaso ng ASF.
Kinabibilangan ito ng BarangayDagupan,Malamote,Lower Paatan,Osias,Katidtuan,Malanduague at Brgy. Upper Paatan. Mula sa nabanggit na barangay abot na sa limamput tatlong magbababoy ang apektado at abot na sa 451 ang na depopulate ng tanggapan.
Abot naman sa 3,896,045php ang danyos ng nasabing sakit ng baboy sa bayan batay sa January 17, 2022 report.
Patuloy naman ang panawagan ni Mayor Guzman sa publiko na sumunod sa ipinapairal na batas partikyular na ang pagbabawal na maglabas ng karne, buhay, o naprosesong karne mula sa mga barangay na positibo sa ASF.
Nanindigan din ang alkalde na kanyang isasaayos ang lahat ng kailangan upang mabigyan ng tulong ang mga apektadong magbababoy ng Kabacan.