-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nanatiling zero confirmed positive case sa Coronavirus Disease (Covid 19) ang bayan ng Kabacan Cotabato.

Sa pinakahuling datos ng Kabacan Municipal Epidemiology Surveillance Unit, sumampa na sa 1082 ang cleared habang nasa 217 naman ang patuloy na minomonitor na PUM.

Samantala naging negatibo ang resulta ng isang naitalang suspected case sa bayan ng Cotabato.

Patuloy parin sa pagmomonitor ng Municipal Health Office katuwang ang mga BHERT ng bawat barangay.

Tiniyak naman ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr sa publiko na walang nagpositibo sa Covid 19 sa bayan ngunit dapat mag-ingat at sundin ang mga Health Protocols.