ROXAS CITY – Isang replica na kabaong ang inilagat sa crisis center para magsilbing babala sa mga lumalabag sa no face mask policy at social distancing.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mrs. Lorelie Suelo, pinuno ng crisis center na ginawa nila ito para magtanda ang mga violators at makikita nila ang kanilang kahihinatnan sakaling maging pasaway sila sa mga batas na ipinatutupad ng gobyerno.
Ayon kay Suelo na umabot na sa 72 katao ang dinala sa pasilidad matapos nahuli sa akto na walang suot na face mask at hindi sumusunod sa social distancing.
Karamihan sa mga violators ang mga menor de edad na namamasyal matapos ilang mga malls ang nagbukas na.
Kabilang sa parusa ng mahuhuling lumalabag sa covid-19 health protocols ay pagsailalim sa orientation.