-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-maitatanggi ang kabayanihan na alay ng mga Barangay Health Workers sa bayan ng Kabacan Cotabato. Kung kaya minabuti ni Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman na pagkalooban ng kaunting pasasalamat ang mga ito.
Abot sa 170 na mga BHWs mula sa Kabacan at sa pitong BARMM barangay ng bayan ang tumanggap ng tig isang libong piso idagdag pa ang bigas, sardinas, sabon, at mga de lata.
Ayon kay Mayor Gelyn, kulang pa ito sa mga tulong ng mga BHW sa bayan upang ipalaganap ang kaunlarang pangkalusugan ng bawat KabakeƱo.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga ito kay Mayor Gelyn at siniguro nilang kaisa sila sa adhikain ng alkalde na iparamdam ang tapat at totoong serbisyo para sa mas maunlad na Kabacan.