CAGAYAN DE ORO CITY – Binigyang pagpugay sa pang-10 pagkakataon ng senior officials ng Philippine National Police ang 44 na miyembro ng Special Action Force na nagbuhis-bahay tuluyang matapos lang ang paghahasik terorismo ng kilabot na Malaysian terrorist na si Zulkifli Abdhir alyas Marwan sa Mamasapano,Maguindanao del Sur.
Kaugnay ito sa paggunita ng National Day of Remembrance ng PNP-SAF commandos na hindi ina-alintana mawalan ng buhay sa nasabing sensitibong operasyon ma-neutralized lang si Marwan na utak ng ilang bombing incidents sa Asya at urban bomb explosion sa bahagi ng Mindanao.
Ginawa ni Police Regional Office 10 acting director for administration Police Col Joselito Clarito ang mensahe bilang pagbigay halaga at pagsariwa sa tagumpay na misyon ng SAF troopers laban kay Marwan sa Camp Vicente Alagar nitong araw.
Sinabi ni Clarito na siyang bumasa sa mensahe ni PRO 10 regional director Brig Gen Jaysen De Guzman na bagamat nawalan ang PNP ng 44 na elite commandos subalit natamasa naman ng buong bansa ang katahimikan dahil sa pagkapatay sa nabanggit na kilabot na terorista.
Magugunitang sa 44 na SAF troopes na nasawi sa paglusob ng mga kaanib na armado ni Marwan sa lugar, kabilang sina Corporals Godofredo Cabanlet, Chum Agabon at Romeo Senin II na nagmula sa Lanao del Norte at Iligan City.
Bagamat hindi na pinapunta ang mga kaanak ng tatlong SAF troopers sa simpleng seremonya nitong araw,inihatid na lang umano ang kaukulang mga benepisyo na nararapat para sa kanilang mga pamilya
bilang mataas na pagtanaw na utang na loob sa nagawa ng mga ito na ‘ultimate life safricife.’