-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Hindi dapat kalimutan bagkus ay inaalala ngayong araw ang ika-8 taong anibersaryo ng kabayanihan ng 44 na kasapi ng Special Action Force na namatay sa malagim na Mamasapano incident noong Enero 25, 2018.

Ito ang inihayag sa Bombo Radyo Koronadal ni Police Lt. Col. Joan Maganto, hepe ng Tacurong City PNP at dating kasamahan ng ilang mga SAF member na itinuturing na bayani dahil sa kanilang pagsisilbi sa bayan.

Ayon kay Maganto, kasapi ng SAF nanumpa silang manindigan at responsibilidad nilang tupadin ang sinumpaang tungkulin kaya’t nararapat lamang umano ang pagdedeklara bg “National Day of Remembrance” ngayong araw sa heroic sacrifice ng SAF 44.

Ngayong araw ay may aktibidad na gagawin ang Police Regional Office 12 upang bigyang pugay at alalahanin ang ang ginawang sakripisyo ng mga ito.

Kabilang sa mga taga-Socsksargen Region na namatay sa Mamasapano encounter ay sina Police Senior Insp. Ryan Pabalinas at PO2 Roger Cordero.

May kanya-kanyang aktibidad din na gagawin ang bawat pamilya ng mga nasawi gaya ng pagpapamisa, pag-aalay ng bulaklak at kandila, bilang bahagi ng pag-alala at pagpapakita ng pagmamahal sa kanila

Sa ngayon, umaasa ang bawat pamilya na maibibigay na ang kaukulang hustisya sa pagkamatay ng mga ito dahil aminado silang may nga hindi pa nahuhilint salarin na brutal na pumatay sa ibang mga SAF members.