Muling kinilala ni Vice President Sara Duterte ang kabayanihan ng fallen 44 Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) commandos na nasawi sa naganap na Mamasapano Clash.
Ginawa ng bise ang pahayag kasabay ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng madugong bakbakan noon.
Batay sa inilabas na statement ng bise, ang ginawa ng SAF 44 ay simbolo ng kabayanihan at sakripisyo para sa Pilipinas.
Kaugnay nito ay nanawagan si Duterte sa mga Pilipino na magkaisa para masolusyunan ang mga hamon na kinakaharap ng bansa.
Magsilbi rin sana itong inspirasyon sa mga Pilipino para magtulungan.
Sinabi pa ng bise na ito ay nangyari sa Mamasapano Clash ay isang paalala ng kahalagahan ng national unity at collective responsibility na protektahan ang seguridad ng Pilipinas.
Kinilala rin ni VP Duterte ang mga patuloy na hamon na kinakaharap ng mga alagad ng batas at mga tauhan ng militar.
Kung maaalala , aabot sa 44 na tauhan ng pulisya ang nasawi matapos ang pakikipagsagupaan sa mga rebeldeng muslim sa isinagawang operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.
Sa kabila nito ay matagumpay naman ang operasyon kung saan na neutralized ng mga ito ang Malaysian bomb maker and Jemaah Islamiyah leader na si Zulkifli Bin Hir, alias Marwan.