-- Advertisements --

Sakripisyo at pag-aalay ng sarili ang kabayanihan na ipinakita ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal.

Ito ang binigyang-diin ni PNP OIC P/LtGen. Archie Gamboa sa kaniyang mensahe sa ika-123rd death anniversary ni Jose Rizal ngayong araw.

Ayon kay Gamboa, nagbibigay pugay ang buong hanay ng PNP sa kabayanihan ni Rizal na siyang inspirasyon ng nasa 195,000 police personnel.

Sinabi ni Gamboa, pinili aniya ni Rizal na i-alay ang kaniyang sarili para sa bayan at ibinigay ang buong pusong pagmamahal sa kaniyang mga kababayan.

Giit ng heneral, dito naka-ugat ang kanilang misyon na protektahan at paglingkuran ang sambayanan sa ngalan ng kapayapaan at kaayusan gayundin ang kalayaan mula sa iba’t-ibang suliraning bumabalot ngayon sa bansa.