Maglulunsad ang Malacañang ng iba’t-ibang aktibidad para sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa June 12, 2024.
Ayon sa abiso ng Presidential Communications Office (PCO), sa June 10, araw ng Lunes, ay idaraos ang unang araw ng “Musikalayaan” concert sa Rizal Park, tampok ang iba’t ibang artists tulad ng bandang Rocksteddy.
Magtatagal ang Musikalayaan hanggang June12, kung saan magpe-perform din ang P-Pop Girl Group na BINI.
Sa Lunes ay ilulunsad din ang “Klinikalayaan 2024: Serbisyong kalusugan para sa bayan” program sa dancing fountain area ng Luneta, at kung saan libreng dental, optical, at iba pang serbisyong medikal ang ipagkakaloob.
Isasagawa rin ang “A-tapang A-tao Chili festival” Tampok ang exhibit at pagbebenta ng iba’t-ibang hot sauce, sili, at iba pang chili products mula sa Philippine Chili Federation.
Sa mismong Independence Day naman sa June 12, araw ng Miyerkules, idaraos ang “Parada ng Kalayaan” sa Quirino Grandstand tampok ang military parade at makukulay na float na kakatawan sa makulay na kasaysayan ng Pilipinas.
Inaasahan ding makikibahagi ang ilang matataas na opisyal para sa nasabing mga event.