-- Advertisements --
Nasa delikado at mapanganib pa rin ang kalagayan ng Kabul Airport sa Afghanistan matapos ang pananakop ng Taliban sa nasabing bansa.
Sinabi ni US Secretary of Defence Lloyd Austin, nakabantay ang kanilang mga sundalo doon dahil sa tangka ng mga Taliban fighters na pigilan ang mga mamamayan nila nais na makaalis.
Aabot na aniya sa mahigit 5,000 na mga Americans ang kanilang nailikas at sa mga susunod na araw ay aalisin ang lahat ng mga sundalo sa lugar.
Hindi maiwasan din na malungkot ito dahil sa tinalo ng mga Taliban ang mga sundalo ng Afghanistan.
Dagdag pa nito, malapit sa kaniya ang Afghanistan dahil dito siya sumabak at pinangunahan ang mga Amerikanong sundalo sa paglaban sa mga insurgents noong aktibo pa siya sa serbisyo.