-- Advertisements --

Hindi bababa sa 11 katao ang nasawi at marami ang sugatan sa naganap na pagsabog sa Kabul airport sa Afghanistan.

Base sa inisyal na imbestigasyon naganap ito sa isa sa entry gate ng paliparan.

Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na isang uri ng suicide attack ang pangyayari.

Sinabi naman ng Ministry of Defence ng Turkey na nagkaroon ng dalawang pagsabog sa paliparan.

Kabilang sa mga nasawi ang 12 sundalo ng US habang dinala na sa pagamutan ang mga sugatang biktima.

Sinasabing aabot din sa 60 sibilyan o mga Afghans ang nasawi.