-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nasa full alert status sa ngayon ang Taliban forces sa Kabul City sa bansang Afghanistan matapos ang pagsalakay ng Islamic State Khorasan (IS-K) at pamomomba sa military hospital na nag-iwan ng 20 patay at nasa 16 naman ang sugatan.

Ito ang ibinahagi sa Bombo Radyo Koronadal ni Bombo International Correspondent Joel Tungal na isa ring United Nations (UN) security member.

Ayon kay Tungal, inatake at pinasabugan ng IS-K ang 400-bed Sardar Daud Khan hospital na maraming mga pasyente ng oras na iyon.

Dagdag pa ni Tungal sa pinaulanan din ng mga IS-K gamit ang RPG kag AK-47 ang hospital matapos ang pagsabog kaya’t nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng nga ito at ng Taliban Forces.

Dahil sa pangyayari mahigpit na kinondena ni Taliban Spokesman Bilal Karimi ang ginawa ng IS-K at apat din sa mga suspek ang napatay ng mga ito at may isa pa na naaresto.

Matatandaan ba naging sunod-sunod na ang ginawang pag-atake ng IS-K sa Afghanistan simula nang mag-takeover ang Taliban.

Kaugnay nito, wala naman umanong dapat ipag-alala dahil ligtas ang mga Pinoy na kasapi ng UN security.