Kasabay ng pagdiriwang sa 100th Independence Day ng Afghanistan, ipinangako ng presidente ng bansa na handa itong hanapin ang lahat ng lugar na pinagtataguan ng Islamic State group matapos ang nangyaring pag-ate sa isang kasal noong Linggo.
Nakiisa si Afghanistan President Ashraf Ghanis sa lungkot na nararamdaman ng kaniyang bansa sa pagkamatay ng 63 katao, kasama ang ilang bata, nang may sumabog na bomba sa isang wedding hall. Halos 200 katao naman ang sugatan.
Maraming mamamayan ng Afghanistan ang nagalit at umusbong din ang katanungan kung kailan magkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng kanilang bansa at United States na nagdulot ng halos 18 taon na pagpapakasakit sa buong bansa.
Nabatid ng mga otoridad na inilagay ng suspek ang bomba sa gitna ng nagkakasiyahang mga bisita. Kinumpirma rin umano ng isang miyembro ng IS na target nito ang pagpupulong ng minority Shiites.
Kapwa pinalad na maligtas ang bride at groom.
Sa inilabas na pahayag ng Taliban, kinuwestyon nito ang palpak na pag-identify umano ng US sa mga suspek.