May kabuuang 440 na indibidwal ang direktang naapektuhan ng magnitude 6 na lindol na tumama sa Masbate kamakailan, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD)
Ayon kay Office of Civil Defense Assistant Secretary Raffy Alejandro, ang bilang ay katumbas ng 96 na pamilya sa 22 barangay sa Masbate.
Kasunod ng magnitude 5.0 na lindol sa Dimasalang, Masbate, tumama ang magnitude 6.0 na lindol sa layong 10 kilometro timog-kanluran ng Butuan, Masbate alas-2:10 ng madaling araw noong Huwebes, Pebrero 16.
Pinakamatinding tinamaan ang Masbate City, dahil naramdaman ang lindol sa Intensity 7.
Ayon sa Office of Civil Defense, 148 na bahay at 93 imprastraktura ang napinsala ng naturang malakas na lindol.
Gayunpaman, walang naiulat na nasawi sa lugar doon sa Masbate.
Dagdag dito, tiniyak ni Alejandro sa mga residente ng Masbate na ang gobyerno ay magbibigay ng maagap na tulong sa mga biktima at aayusin ang mga nasirang imprastraktura.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa din ang mga isinasagawang assessment ng Office of Civil Defense sa tulong na din ng mga Local Government Units na nasabing lugar na naapektuhan ng magnitude 6 na lindol.