-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Nakumpiska ang kabuuang 600 na national at local campaign paraphernalia sa Tublay, Benguet.
Ayon kay Anita Navalta, Commission on Elections (Comelec) officer ng Tublay, resulta ito ng implementasyon nila ng synchronized provincial “Oplan Baklas” sa mga campaign paraphernalia at pagtupad sa memorandum na ibinigay ni Benguet Comelec Supervisor Nicasio Jacob.
Sinabi niya na lumabag ang mga kandidato sa prescribed o standard size ng mga campaign posters at naipaskil lamang sa mga hindi maayos na lugar.
Ikinokonsidera naman ng mga Comelec officers na iligal ang mga ibang campaign poster dahil hindi nila tinupad ang dapat na impormasyon na nakalahad sa campaign materials.