Iniulat ng Department of Health na nasa 1.54% lamang ng kabuuang bilang ng Covid19 vaccines na idiniliver sa bansa ay nasayang.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, malayong mababa ito sa indicative wastage rate na 10% na ginagamit ng World Health Organization.
Mula aniya sa kabuuang 244,506,480 vaccine doses na natanggap ng bansa, nasa 3,760,983 ang hindi na mapapakinabangan.
Ipinaliwanag ni Duque na ilan sa mga dahilan ng wastage ng naturang mga bakuna ay kakaunti na lamang ang mga tao na nagpapabakuna sa mga vaccination sites, ang ibang vials naman ay may mababang content kumpara sa prescribe volume ng doses, may ilan ding mga bakuna ang lagpas na sa shelf life at may particles na present sa ilang mga bakuna habang nasira naman ang ilang vaccines dahil sa insidente ng sunog o bagyo.
Nilinaw din ni Duque ang isyu hinggil sa 27 million vaccine doses na nakatakdang mag-expire sa Hulyo.
Ang tawag aniya dito ay theoritical expiration ibig sabihin maaari pa itong gamitin dahil hindi pa naman expired ang mga bakuna.
Bagamat gumagawa na aniya ng aksiyon ang pamahalaan para maiwasang masira ang mga bakuna sa pamamagitan ng pagpapalawig pa ng shelf life ng vaccines gayundin ang pagpapaigting pa ng vaccination drive.