Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development na aabot na sa P339 milyon ang kabuuang halaga ng tulong ang naihatid nila sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine sa Bicol Region.
Sa isang pahayag, sinabi ni DSWD Field Office 5 Regional Director Norman Laurio, kabilang sa kanilang naihatid ay mga family food packs at iba pang ayuda sa mahigit 460,000 na pamilya sa Bicol.
Nakapaghatid ito ng FFPs sa Naga City kasama na ang malinis na inuming tubig at mga non-food items.
Namahagi rin sila ng family kits, hygiene kits, sleeping kits, at kitchen kits sa mga sinalantang residente.
Bukod dito ay iniulat ng DSWD na naglaan sila ng P20.91 milyon na halaga ng tulong.
Ito ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation at Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program ng kanilang ahensya.