Pumalo na sa 7.89% ang kabuuang utang ng gobyerno noong katapusan ng buwan ng Abril matapos na makapagtala ng dobleng digit na pagtaas sa year-on-year ng domestic financing.
Ayon sa ahensya ang kabuuang utang ng gobyerno sa unang apat na buwan ng taon ay umabot sa P1.16 trilyon.
Mas mataas ito sa P1.08 trilyon na naitala sa parehong panahon noong nakalipas na taon.
Ang domestic borrowings ay tumaas naman ng 38.69 porsiyento hanggang P1.04 trilyon noong katapusan ng Abril mula sa P749.11 bilyon na naitala noong nakaraang taon.
Nakalikom rin ang gobyerno ng P76.82 bilyon sa mga short-term IOUs sa unang apat na buwan ng 2024, habang ang P377.26 bilyon ay kinuha ng fixed rate treasury bond.
Gayundin, ang P584.86 billion ay nalikom noong Pebrero sa pamamagitan ng alok na retail treasury bonds.
Gayunpaman ang foreign financing ay umabot sa P124.1 bilyon, 62.27 porsiyentong mas mababa kaysa noong nakaraang antas na P328.88 bilyon.