-- Advertisements --

(Update) BAGUIO CITY – May kinalaman umano sa cardiac arrest secondary to internal hemorrhage ang pagkamatay ng isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA).

Una nang nakilala ang kadete na si Cadet 4th Class Darwin Dormitorio, 20, na nagmula Cagayan De Oro City at nasa Echo Company.

Batay sa impormasyon, nagsusuka ang kadete habang nasa loob ito ng kanilang barracks kasabay ng pagrereklamo nito ng pagsakit sa tiyan.

Dinala ito sa PMA Station Hospital para magamot bandang alas-kwatro ng madaling araw ngunit namatay din ito, kung saan idineklara siyang pumanaw na bandang alas-5:15 ng umaga.

Inihayag din ng akademya ang kanilang pakikidalamhati sa pamilya Dormitorio at ang kanilang patuloy na imbestigasyon.

Kasabay nito, ipinasigurado pa ng PMA sa publiko na palagi at sistematikong ikinokonsidera nila ang pangkalahatang kagalingan ng bawat kadete sa lahat ng aspeto ng kanilang edukasyon at pagsasanay.

Maaalalang ang PMA ang primary training at educational institution ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.