-- Advertisements --

Kinumpirma ni PNPA Director MGen. Rhoderick Armamento na sinibak na sa akademya ang kadeteng nagpositibo sa iligal na droga at ang kadeteng nambugbog ng kapwa kadete.


Ayon kay Armamento matapos sumailalim sa summary proceedings at napatunayang gumagamit ng iligal na droga ang naturang kadete napagdesisyunan na siya ay idismiss sa academy.


Habang ang kadeteng nambugbog ng kapwa kadete ay dinismiss na rin mula sa cadetship training habang ang dalawang iba pang sangkot ay suspendido ng isang taon.

Dahil sa insidente, may mga ipinatupad na pagbabago ang pamunuan ng PNPA.

Binigyang-diin ni Armamento na ang insidente sa PNPA ay kanilang itinuturing na isolated cases lamang.


Gayunpaman, sa mga ipinatupad nilang pagbabago o reporma sa loob ng academy masasabi na aniya nila na nakabangon muli ang PNPA mula sa mga nangyaring kontrobersiya.


Samantala handa na ang PNPA na tumanggap ng panibagong aplikante.


Kailangang magsumite ang mga aplikante ng medical clearance mula sa lisensyadong doktor tatlong araw bago ang Cadet Admission Test ng Philippine National Police Academy (PNPA).


Sinabi ni Armamento, ito ay bahagi ng ipatutupad nilang Health protocols upang matiyak na ligtas sa Covid-19 ang mga kukuha ng pagsusulit ngayong Marso 7 at 8.


Una nang sinabi ni Armamento na tanging mga nakatanggap lamang

ng Notice of Examination ang maaaring magsulit dahil ang mga ito ang nakapasa sa pre-screening.


Limitado aniya sa 15 tao kada-classroom ang kanilang papayagan.

Hindi aniya papapasukin ang mas mataas sa 37.5 ang temperatura, at kailangan din naka face mask, face shield at may baong alcohol na 70 percent solution ang mga mag-eexam.